Pag-aayuno at pangingilin sa Simbahang Katoliko

Karaniwang kinakain ng mga Katoliko ang mga isda at iba pang itinalagang pagkaing-dagat tuwing Biyernes dahil sa pagbabawal ng pagkonsumo ng karne sa araw na iyon. Nag-iiba ang gawing kontemporaryo ayon sa bansa at lugar.

Sa kasaysayan ng Simbahang Katoliko, sinusunod ang mga disiplina ng pag-aayuno at pangingilin sa mga iba't ibang panahon sa bawat taon. Para sa mga Katoliko, tumutukoy ang pag-aayuno sa pagbabawas ng kinakain ng isang tao, habang tumutukoy naman ang pangingilin sa pag-iiwas sa isang bagay na mabuti, at hindi likas na makasalanan, tulad ng karne. Itinuturo ng Simbahang Katoliko na obligado sa Diyos ang lahat ng tao na magpenitensiya para sa kanilang mga kasalanan, at parehong personal at korporeal ang mga gawaing ito. Walang kwenta ang pag-aayuno ng katawan maliban kung sinamahan ito ng espirituwal na pag-iiwas sa kasalanan. Nagpayo si Basilio ng Caesarea ng sumusunod tungkol sa pag-aayuno:

Mag-ayuno tayo nang katanggap-tanggap at kasiya-siyang sa Panginoon. Ang tunay na pag-aayuno ay paglalayo sa kasamaan, pagtitimpi ng dila, pag-iiwas sa galit, paghihiwalay sa mga pagnanasa, paninirang-puri, kasinungalingan at pagbubulaan. Tunay na pag-aayuno ang kawalan ng mga ito.


Developed by StudentB